top of page

Ang Kasaysayan ng Barangay Lourdes

Ang kasaysayan ng Barangay Lourdes kung bakit ito ay pinangalanan na Brgy. Lourdes na noong unang panahon ito ay nayon ng Bulagsong.

Noong unang panahon, ayon sa mga nakatatanda dito noong panahon pa ng Hapon, kasalukuyan na ang mga hapon ay naglilibot sa baybayin ng karagatan na nasa malapit sa Barangay Hondagua, ang mga Hapon daw ay naghahanap ng madadaungan sa baybaying ito.

At dahil sa ang tabing dagat ay maraming malalagong punong kahoy ng pipisik ay hindi nakita ang daanan nito papasok sa ilog na patungo sa daungan ng Bulagsong.

Kung kaya't ang mga nasabing Hapon ay hindi nagkaroon ng pagkakataon na makapasok at makadaong sa nayong ito, kung kaya't ang mga Hapon daw ay nagsipagbalikan sa kanilang pinanggalingan.

At kung bakit naman ito tinawag na Barangay Lourdes ay sapagkat may isang tao na may pag-aari ng isang lupain dito ay nagmagandang loob na nagkaloob ng isang malaking imahen Ng Birhen ng Nuestra Señora de Lourdes. Ang taong ito na nagkaloob ng imahen ay si G. Jose Villar na naninirahan sa Bayan ng Lopez Quezon. Kaya ang mga mamamayan dito ay lubos na nagpasalamat sa kanya sa pagkakaloob nya ng Birhen ng Lourdes na kanilang ipinagdiriwang ang kaarawan at kapistahan nito tuwing sasapit ang ika-11 ng buwan ng Pebrero.

Ang mga nanungkulan dito bilang Kapitan del Baryo noong 1952 ay si G. Melquedes Vera na nanungkulan ng may tatlong taon. Taong 1955 ana naging kapitan del baryo na sumunod dito ay si G. Vitaliano Arias.

images.png

Land Area

19.9 Hectares

images (8).jpg

National Tax

2,219,932.00

363295178_692792689351564_6377408653134321561_n_edited_edited.png

Barangay Lourdes

Information

This Website will give you information about Barangay Lourdes Lopez, Quezon and it will offer a Service for you if you need something in this Barangay 

Privacy Policy

©2023 Copyright Text. All Right Reserved.

Contact Us

09261135584

Lost Villa Resort Contact No.
0921 487 1930
  • Facebook
  • lostvilla.quezonprovince@gmail.com
bottom of page